Una sa Balita

Grace kay Alan: Chipangga mo!

0 468

BINUWELTAHAN ni Senador Grace Poe si House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa pahayag nito na sipsip at epal ang mga senador na dumalo sa pagdinig ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN para lang makakuha ng pabor sa network.

“You know when I deal with counterparts from the House, at least, me personally and I think many of my colleagues, we try to maintain a ­level of ­respect and decorum because name calling ­cheapens that debate,” pahayag ni Poe sa panayam sa ANC kahapon.

“And when you start name calling kung gumagamit ka ng salitang ganoon nawawalan ka ng tamang basehan sa argument,” dagdag pa ng senador.

Nauna nang kinuwestiyon ni Cayetano ang pagdinig ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Poe at iginiit na dapat mauna sa Kamara ang mga franchise bill bago talakayin sa Senado.

Subalit iginiit ni Poe na hindi naman sila magla­labas ng committee report hanggang hindi pa ­inaaprubahan ng Kamara ang sarili nilang bersyon ng panukala.

“You know, Speaker Cayetano is a very intelligent politician and he’s been a lawmaker for many years, he should know that it’s in the Constitution that grants both houses the right for oversight,” pahayag ni Poe.

“Section 6 Article 21 allows us to conduct hearings in aid of legislation and to find out if the franchise holders are compliant with the agreements that they have with the government

“I don’t know why they would think this is something out of the ordinary, we’ve conducted hearings with the budget and as well as taxes either simultaneously or ahead of the House,” punto pa ng ­senadora.

Sa hearing ng komite ni Poe noong Lunes, pinuna ni Cayetano na parang sumisipsip lang ang mga hindi nito pinangalanang senador sa ABS-CBN.

“There’s no question ‘yung iba nagmamalasakit lang. There’s no question there are solid supporters of ABS. But ‘yung iba OA na e. Parang doomsday na ang ginagawa para lang makapagsipsip. Hindi ‘yun ang proseso,” banat ni Cayetano noong Lunes.

“Bakit nag-hearing ang Senate? Anong purpose? Parang nag-a-attendance sa ABS-CBN. ‘Hello, I’m here for you’. Kasi sabi nila it’s not for the franchise kasi hindi pa sila puwedeng mag-hearing sa franchise, nandito pa (sa House). So what’s it for?” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More