Una sa Balita

Grab, TNVS rerendahan na ng LTFRB

By
0 1,155

NAGLABAS ng bagong kautusan ang Department of Transportation (DOTr) para bigyan ng kapangyarihan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na isailalim sa regulasyon ng ahensiya ang mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) tulad ng Grab.

Sabi ng DOTr, naglabas ito ng bagong kautusan na magpapawalang bisa sa naunang department order na inilabas noong 2015 kung saan ipinaubaya na ng DOTr sa mga TNVS ang pagtatakda ng pasahe nila at may ‘oversight function’ lamang ang LTFRB.

“Hindi naman yata tama ‘yun. You can’t engage in the business of public transportation and determine your own fares, your own rules.

Naiintindihan natin na mayroon silang negosyong pinoprotektahan, ngunit responsibilidad din ng estado na protektahan ang kapaka­nan ng mga commuter,” sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

“Ayaw na nating maulit ‘yung nangyari noong mga nakaraang taon kung saan sila lamang ang nagdidikta sa presyo ng kanilang pasaheng sinisingil. Ayaw na rin natin maulit ‘yung sobra-sobrang surge sa pricing lalo na kapag peak hours. Kawawa naman commuters natin na walang laban,” sabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.