Una sa Balita

Grab sasagpangin market ng Angkas

0 266

NAGKAROON na rin ng interes ang ridesharing company Grab Philippines na muling sumabak sa motorcycle taxi service bunsod ng pagkakapasok ng Angkas, JoyRide at Move It sa pilot testing ng programa.

Sa isang statement, binanggit ng kompanya na gusto nilang buhayin ang GrabBike, ang kanilang motorcycle taxi service na pumapasada noon pang 2016 subalit pinatigil dahil sa pinatupad na ban ng gobyerno.

“As the government is seriously looking into a possible regulation for motorcycle taxis, Grab is seriously considering to reinvest in the motorcycle taxi denomination and relaunch its GrabBike service,” ayon sa statement.

Nabatid na sa isinumiteng liham ng Grab noong Disyembre 9, 2019 kay Technical Working Group for Motorcycle Taxis chairman Antonio Gardiola Jr., nagpahayag sila ng intensyon na lumahok sa pag-aaral at pinagmalaki pa na sila ang “Southeast Asia’s largest and safest bike-ride hailing provider.”

“In 2019, it garnered 2.55 million bike rides, with 1.49 million bike driver-partners all over Southeast Asia. Moreover, it boasts a 99.99% safety record which is one of the highest among Southeast Asia,” pagmamalaki pa nila sa liham.

Matatandaan na ang Angkas lamang ang nag­lakas ng loob na sumabak sa negosyong ito pero nang mapasama sila ng pilot test ng gobyerno bilang preparasyon kung nararapat silang bigyan ng prangkisa ng Kongreso, sumulpot na ang ibang player at napasama na sa extended pilot test ang JoyRide at Move It.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More