Una sa Balita

Grab pinagmulta ng 10M sa overcharging

By
0 439

PINAGMUMULTA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab Philippines ng P10 milyon dahil sa sob­rang paniningil­ o overcharging sa kanilang mga pasahero.

Inatasan din ng ahensiya ang nasabing ride-hailing service na i-reimburse sa kanilang mga pasahero ang mga siningil nitong P2.00 na waiting time charge kada minuto.

Sinabi ng LTFRB na dapat maibalik ng Grab sa kanilang mga pasahero ang mga nasingil na extra charge simula noong Hunyo 5, 2017 hanggang Abril 19, 2018.

Sa sandaling ma­ging pinal na ang kautusan, sinabi ng LTFRB na dapat bayaran agad ng Grab ang multa at ang kanilang mga pasahero sa loob ng 20 araw.
Giit ng ahensiya, iligal ang extra charge na ipinataw ng Grab dahil wala itong pahintulot mula sa kanila.