Una sa Balita

Grab overcharging large-scale estafa

By
0 1,131

NAGBABALA si Puwers­a ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Je­richo Nograles na tiyak na kulungan ang bagsak ng mga opisyal ng Grab Philippines kung patuloy na magmamatigas na hindi i-refund ang P2 kada minutong overcharging sa kanilang mga pasahero.

Ipinahayag ito ng mambabatas dahil sa patuloy umano na pagbabalewala ng Grab sa tinatayang P3.2 bilyong sobrang singil nito dulot ng P2 hidden charge kada minuto sa biyahe ng kanilang mga pasahero.

“Napapansin ko sa salita mismo ng kanilang country head na si Brian Cu, in fact nakakatayo ng balahibo… ang sinabi niya tungkol sa refund, hindi raw ‘yan nasa hustisya. That is not just, sabi niya. That is not just because wala naman daw nasaktan doon sa P2 pesos per minute,” giit ni Nograles sa isang pa­nayam kahapon.

Sinabi ni Nograles na sa nasabing pahayag ni Cu ay malinaw na walang planong mag-refund ang Grab.

“Sinabi niya na wala naman nasaktan, wala namang naagrabyado dito sa P2 pesos per mi­nute kaya hindi kaila­ngang i-refund,” ayon kay Nograles.

Kapag nagmatigas aniya ang Grab at hindi nag-refund ay swak sila sa large-scale estafa.

“Para kang pumasok sa isang multi-level marketing or scam na ‘yan na bayad ka nang bayad ng produkto na hindi darating. Or sobrang overpriced or illegal ang pagkabenta. ‘Yan ang mangyayari diyan. Sila, kung ayaw nilang magbayad, kulong. Kulong ang kapalit. Remember syndicated estafa has no bail. It has no bail,” pagbabanta pa ni Nograles.

Upang hindi humantong sa asuntuhan, dapat ay ibalik na lang aniya ng Grab ang sobrang pamasaheng siningil sa kanilang mga pasahero na sa kanyang ginawang pagkukuwenta ay pumapalo sa mahigit P3.2 bil­yon.

“Pakisauli po ang mga bilyones na kinuha niyo po sa taumbayan. Otherwise? Eh ‘di kulong. See you in Bilibid,” sabi pa ng kongresista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy