Una sa Balita

Grab monopoly tablahin, ibang TNVS papasukin – Koko

By
0 866

IGINIIT ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin na ang pagpasok ng iba pang Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa bansa dahil sa pagsasanib ng Grab at Uber.

Aminado ang senador na balido ang pa­ngamba ng mga regular na sumasakay sa TNVS na posibleng magdulot ng pagtataas sa pasahe ang pagsasanib ng Grab at Uber kaya’t dapat na may nakahanda nang hakbang ang gobyerno para rito.

Dapat anya magdoble trabaho na ang LTFRB upang maproseso na rin ang mga nakabinbin na aplikasyon ng ibang TNVS upang matiyak na hindi rin magsasamantala ang Grab sa mono­polya sa industriya.

Batay anya sa pahayag ng LTFRB, tatlong bagong ride-sharing company ang nais pumasok sa bansa.

Sinabi pa ni Pimentel na kailangan din balansehin ng LTFRB ang pangangailangan sa bagong TNVS players at ang pagsunod ng mga ito sa regulasyon.