Una sa Balita

Grab magpaliwanag sa kakarampot na refund

0 428

KINWESTYON ni ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap ang umano’y maliit na refund bilang penalty sa malaking violation ng Grab.

Hindi makatwiran ayon sa solon ang ipinataw na refund dahil napakaliit nito kumpara sa kanilang sunod-sunod na violation.

“Buti sana kung sa drivers napupunta ang sobra-sobrang singil nila,” sabi ni Yap.

Sinabi ng bagitong mambabatas, hindi puwedeng sa bawat violation ng Grab ay refund na lang ang gagawing parusa at hindi lang isang beses nangyari na nagpataw sila ng mataas na pa­sahe sa kanilang mga pasahero.

“Unfair at unjustified pricing ang ginagawa ng Grab. Sinasabi na mataas ang demand at kulang ang drivers sa area kaya napakataas ng presyo nila. Dapat ay magkaroon ng cap,” pahayag ni Yap.

Minsan na rin sumubok na magpa-book sa Grab si Cong. Yap, pero na-cancel kaya nagpa-book ulit ito pero doble na umano ang sinisingil sa kanya.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More