Una sa Balita

Grab, grabe sa taas ng singil

0 473

Hostage ­talaga ang mga pasa­hero sa Grab ang nag-iisang ride hailing transport sa bansa.

Paano naman kasi ay kahit anong taas ng kanilang singil ay walang choice ang kanilang rider kundi pikit matang suma­kay at magbayad ng bonggang-bongga sa halos abot langit nilang singil.

Imagine kapag rush hour o ang sinasabi nilang pick hour ay halos doble ang kanilang singil.

Ang isang biyahe ng aking kaibigan bandang alas-11:00 nang umaga galing Fairview patungong Cubao ay P471 ang pamasahe. Mataas ito kung tutuusin pero katanggap-tanggap na raw para kumportabe ang ­biyahe.

Ang ikinaloka ng aking kaibigan ay nang umuwi na ito pabalik ng kanilang bahay bandang alas-sais nang gabi dahil tumataginting na P811 ang singil ni Grab.

Nauunawaan ­natin ang ­sinasabing rush hour ng Grab at mahirap ­sumakay pero hindi ito ­dahilan para magsamantala.

Unang-una madali namang mag-book ang mga pasahero. Kung totoong pick hour dapat ay hindi madaling mag-book ang mga pasahero.

Kailangan na talagang umaksyon ng mga kinauukulan sa pag-abusong ginagawa ng Grab.

Sobra-sobra na ang kanilang paniningil sa kanilang mga rider kaya dapat na itong matigil.

Kung nakagapos ang mga kamay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa abusong ito ng Grab baka naman may mga kongre­sista o ­senador ta­yong handang bigyang pansi ang pro­blemang ito sa Grab.
Maraming reklamo na tayong ­natatanggap sa sobrang paniningil ng Grab pero tila bingi at bulag ang mga kinauukulan para aksyunan ang pro­blemang ito, kaya sana sa pagkaka­taong ito ay mabigyang-pansin na ito ng mga politikong totoong may malasakit sa taumbayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy