Una sa Balita

Grab driver nanlibre sa batang itinakbo sa ospital

0 2,116

Hinahangan ngayon sa social media ang isang Grab driver na dalawang beses nagli­bre ng pasahe sa mag-ina dahil sa batang isinugod sa ospital.

Kuwento ng amang si James Brillantes, noong Enero 4 ay nag-book sila sa Grab upang madala sa Las Piñas Doctors Hospital ang anak dahil sa posibleng pneumonia.

Ang Grab driver na si Ryan Bueno, ang nagsakay sa kanyang mag-ina patu­ngong ospital habang si James ay sumakay ng motorsiklo upang sumunod patungong ospital.

Pagdating ng LPDH, hindi na nagpabayad si Bueno dahil para daw ito sa baby boy.

Subalit dahil sa walang bakanteng kuwarto sa LPDH, nagbook ulit sila ng Grab upang tumungo ng ibang ospital at si Bueno ulit ang nag-accept nito.

Nang maihatid ni Bueno ang mag-ina sa Unihealth Parañaque Hospital, kinansel nito ang booking upang hindi na ulit magbayad ang kanyang pasahero subalit nagpumilit ang asawa ni Brillantes at nagbigay ito ng P300.

Gayunman, bumaba sa kanyang sasak­yan si Bueno at ibinalik ang bayad sa babae.

“Though some of you might think, small bill lng nman or like 300+. Yet the effort he took pra Sa anak ko is stil nakakataba ng puso. Binilisan nya mag drive pra sa baby boy ko knowing its an emergency. God bless you sir and God will pay you back for your good heart,” ayon sa post ni Brillantes sa kanyang Facebook account.

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen sa Grab driver dahil sa kabutihan nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy