Una sa Balita

Grab boss paawa sa refund

0 234

“I, for one, who use it a lot, got P50!”
Ito ang sinabi ni Grab Philippines country manager Brian Cu kasabay ng pagdepensa nito na tama ang kanilang computation sa mga magre-refund na mga kostu­mer matapos na umani ng kritisismo sa social media na maliit lamang ang kanilang natanggap kumpara sa kanilang inaasahan.

“With 3 million active users and P19 million in refunds ordered by the Philippine Competition Commission, the rebate will run at an average P20 per user. The refunds had a ‘big impact’ on Grab’s financials, as it sought a new way to monitor fares to avoid drawing the competition monitor’s ire,” paliwanag ni Cu sa pa­nayam ng ANC.

Aniya, kamakailan ay nakumpleto na ng Grab ang pinakahuling tranche of refunds na nagkakahalaga ng P19 milyon, kung saan ang total reimbursements nitong nakaraang taon ay umabot sa P40 milyon.
Ayon kay Cu, ang huling round ng refund ay dahil sa paglihis ng presyo at hindi sa paglagpas o dagdag ng singil.

“Grab was looking at the average instead of a range to monitor fares so we wouldn’t be in violation anymore. It certainly dampened our 2019 holiday season. It had a big impact on the financials but were taking it all as an expense with the company and not passing it on to the consumers or drivers,” paglilinaw pa ng manager ng Grab.

Sinabi pa ni Cu, libo-libong driver na ng Grab ang kanilang pinagbawalang pumasada dahil sa pagkansela ng mga boo­king, pagtanggi sa trip at iba pang pag­labag.

“What happens when he cancels, he gets a negative rating in the app. If he cancels consistently, he gets suspended. And once he gets back and does it again he eventually gets banned on the platform,” giit ni Cu.

Binigyang-diin pa nito na handa silang humarap sa Kongreso upang linawin at ulit-ulitin na hindi nag-o-overcharging ang kanilang mga rider at ipaliwa­nag ang kanilang ginagawang presyuhan sa kanilang mga commuter.

“We should work with the government, with the netizens, with the riding public…We’re really just trying to work together for a better transport future for the country,” dagdag pa ng Grab manager. (Dolly Cabreza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More