Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gov’t witness sa red-tagging kinuwestiyon ni Colmenares

0 375

Kinuwestiyon ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares ang kredibilidad ng testigo ng gobyerno na nag-ugnay sa mga kasapi ng Makabayan bloc ng Kamara sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Colmenares na walang basehan ang alegasyon ng military laban sa mga militanteng grupo gayundin ang testimonya ng mga testigo ng gobyerno tulad ni Jeffrey Celiz, na dati umanong miyembro ng New People’s Army (NPA).

Pinabulaan ni Colmenares, dating kinatawan ng Bayan Muna, ang mga alegasyon ni Celiz, kabilang ang naunang alegasyon nito na ang mga Makabayan bloc solon ay front ng CPP-NPA.

“Sinabi niya rin may personal knowledge siya na ang Bayan Muna ay fronts ng CPP pero wala siyang patunay na inilabas,” sabi ni Colmenares, patungkol kay Celiz.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan aniya’y kasama si Celiz sa listahan ng narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016. Naniwala si Colmenares na hindi siya asset ng gobyerno kundi talagang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

” Tingin namin nagsisinungaling siya na asset siya… Talagang na-involve siya sa drug list dahil may basis ang Presidente doon sa pag-involve niya sa drug list,” sabi ni Colmenares.

“Pagkatapos niyang na-involve doon, saka siya na lang siya pumunta sa military at nagsabing puwede ba proteksyunan niyo ako sa tokhang pero magte-testify ako kung sino ang gusto ninyong i-testify ko,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ng human rights lawyer na si Atty. Jobert Pahilga na malisyoso at walang basehan ang akusasyon laban sa kanya ni Celiz. Hindi umano siya recruiter ng NPA.

“Si Mr. Celiz, sa tingin ko po ay natakot mabiktima ng tokhang o kaya mabiktima ng drug war kaya po siya nawala at nagresurface bilang star witness ng NTF-ELCAC,” sabi ni Pahilga. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.