Una sa Balita

Gov’t official nabiktima ng blooper ng TV station

0 314

Naging laman ng social media ang isang opisyal ng gobyerno matapos paglaruan ang sinasabi nitong ‘bayag’ sa balita ng isang television network.

Bagama’t pagkakamali ng TV network ang pagkakalagay ng ‘ba­yag’ imbes na ‘bayan’ sa news graphics, ang government official ang pinagpiyestahan sa social media.

Nagkataon na nagkomento lang pala ang government official sa kontrobersyal na ‘pepe-dede-ralismo’ video ng dating hubadera, rakista at ngayon ay nagpapanggap na opisyal ng gobyerno.

Ang masaklap nito, ayon sa nakita ni Mang Teban, pinagpiyestahan ang government official sa social media matapos pagsabungin ang ‘ba­yag’ sa ‘pepededera­lismo’ ng isa pang kontrobersyal na opisyal ng gobyerno.

Pintahan n’yo na. Ang government official na nabiktima ng blooper ng TV station ay nagbabalak na tumakbo sa pagka-senador at may letrang R sa kanyang pangalan, as in Rated R.