Una sa Balita

Gov’t official kinarma sa paghuhugas-kamay

By
0 31

Kinakarma ngayon itong isang opisyal ng gobyerno dahil nasasa­bit ang pangalan nito sa isang kontrobersiyal na isyung mainit na pinag-uusapan ngayon sa buong bansa.

Hindi kasi kagandahan ang mood lagi nitong opisyal at noong namamayagpag ito sa nakalipas na administrasyon ay medyo mataray at paimportante ito lalo na kung iinterbyuhin ng media.

Pero ngayon ay tila binalikan siya ng masamang hangin dahil isa siya ngayon sa mga nasa ‘hot seat’ dahil sa isang kontrobersiyal na isyu.

Abante Hiring – IT dep

Bale ba mga utaw, itong si opisyal ay nagpakita pa sa briefing sa Malacañang noong na­kalipas na linggo at pina­litaw na para bang ‘hindi big deal’ ang kinakaharap na isyu ngayon ng kanyang ahensiya.

Siya pa mismo ang nagsabing hindi dapat mag-panic at mag-alala ang mga magulang dahil hindi naman delikado ang isyung kinasangkutan ng kanilang tanggapan.

Pero pagharap nito kahapon sa Senado ay nabuking na kasama pala ito sa mga dapat sunugin ang kaluluwa dahil kasama siya sa mga nagdesisyon sa palpak na programa. Kaya pala!

Halos maumid ang dila nitong opisyal sa pananalakab ng madaldal na senador habang kinokompronta siya sa mga naging aksiyon kasama ang mga dating opisyal.

Ang opisyal na ito ay naging kilala noong nakalipas na administrasyon dahil siya ang ‘sumulot’ sa trabahong ginagawa ng kasamahan na ‘di hamak na mas gusto ng media dahil mabait at mada­ling kausap at wala pa sa limang letra ang apelyido.