Una sa Balita

Gov’t official gumastos ng P50K sa family outing

0 612

Sino daw itong baba­eng opisyal ng gobyerno ang gumastos ng P50,000 para lamang sa family outing nito sa Clark, Pampanga?

Okay lang sana kung galing sa sa­riling bulsa ang ginastos sa hotel accomodation at pagkain sa weekend getaway ng kanyang pamilya.

Base kasi sa nakuhang info ni Mang Teban,­ kinarga ang bill sa opisinang kanyang pinamumunuan.

Hindi man lang nakaramdam ng kahihiyan ang opisyal dahil dugo at pawis ng mga taxpayer ang pinanggastos nito sa pagliliwaliw ng pamilya.

Ang classic nito, noong ili-liquidate na ang ginastos sa resort-hotel, aba’y ayaw daw pumirma ni mokong at ang isinubo ay ang pa­ngalan ng opisyal na under niya.

Pintahan niyo na. Ang government official na ito ay babae at kilalang makapal talaga ang mukha.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More