Una sa Balita

Gov’t official antukin sa trabaho

0 262

KARTADA

MARAMI na ang nakakapansin sa isang opisyal ng gobyerno na madalas na nakakatulog sa pagdinig sa Senado.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na sa umpisa ng pagdinig ay dilat na dilat pa ang dalawang mata nito pero dahil hindi pa naman siya tinatanong ng mga miyembro ng komite, pumipikit muna ito sandali.

Kapag medyo napapataas ang boses ng chairman ng isang komite, biglang itong magugulat sabay bukas ng kanyang mga mata.

Pero kapag tinanong naman siya ng mga senador, hindi naman ito sumasablay sa mga sagot kahit na pinapaikot pa siya ng tanong ng mga mambabatas.

Pagkatapos masalang sa pagtatanong magkakape na ito para magising ang diwa nito at hindi na muling makatulog. Sino siya?
Pintahan n’yo na.
Ang opisyal ng gobyerno na mahilig matulog sa hearing ay mula sa law enforcement agency at may letrang A sa kanyang apelyido as in ‘antukin’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy