Governor Remulla, Hernandez ‘naghamunan’

0 875

Nagpalitan ng nakatutuwang open letter sa Facebook sina Cavite Governor Jonvic Remulla at Laguna Governor Ramil Hernandez.

Unang nagpost si Remulla ng letter na nagsasabing hindi makakadaan sa SLEX papuntang Maynila si Hernandez dahil magtatayo siya ng checkpoint sa Carmona.

Ito ay dahil sa hindi rin umano pinalagpas si Remulla sa checkpoint ng PNP sa may boundary ng Cavite at Laguna sa may bahagi ng Nuvali kung saan nabalewala umano ang kanyang “power.”

Sumagot naman si Hernandez na humihingi ng pasensya kung nauna man siyang nagdeklara ng ‘lockdown” ngayon.

Ayon kasi kay Hernandez, lagi siyang naba-bash ng mga taga Laguna kapag panahon ng bagyo at ulan dahil laging nauunang magdeklara ng suspensyon ng klase sa Cavite si Remulla.

Hinamon pa nito ng pagandahang lalaki si Remulla.

Pero sa huli, kapwa nilinaw ng dalawa na biro lamang ang kanilang mga bantaan at hamunan at kapwa nagsabi na dapat ang sinuman ay sumunod sa ipinapatu[ad na enhanced community quarantine para sa kaligtasan ng lahat.

Pinaalalahanan din nila ang kanilang mga lokal na opisyal ng lungsod, bayan at mga barangay na huwag magtatampo sa kanilang mga kalapit na lugar kung maapektuhan sila ng ipinapatupad na mga checkpoint at lockdown ng kanilang mga karatig lugar. (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...