Una sa Balita

Government official takot makasuhan

By
0 1,049

Takot daw makasuhan ang isang opisyal ng gobyerno kaya gusto nitong maging mambabatas.

Naniniwala daw kasi ang opisyal sa kasabihang ‘weder-weder lang yan’, kung saan darating ang panahon na mawawala din siya sa puwesto.
Nabisto ni Mang Teban na bukod daw sa intensiyon na pagsilbihan kuno ang sambayanan, ang tunay na misyon ni government official ay magkaroon ng tinatawag na ‘parliamentary immunity’.

Marahil ay idol nito ang isang dating lider ng bansa na kahit sangkatutak ang kaso ay hindi mapakulong dahil isa itong mambabatas.

Kaya naman kahit hirap ibenta ang pangalan­, tuloy sa kanyang impossible dream si Government official kahit marami na ang naiinis sa paggamit nito sa mga resource ng gobyerno.

Pintahan niyo na. Ang government official na takot makasuhan pagbaba sa puwesto ay mahilig sumingit sa pictorial. May letrang B sa kanyang pangalan as in Baba niya ay tawag pansin sa sel­fie.