Una sa Balita

Government official nagpa-raffle ng secondhand TV

0 298

Tuwing magpapasko, laging sumasariwa sa isipan ng isang lola ang nakuha niyang telebis­yon mula sa pa-raffle ng isang opisyal ng gobyerno.

Eh paano naman kasi, segunda mano ang napanalunan niyang telebisyon sa pa-raffle ng opisyal.

Tuwang-tuwa pa naman si lola dahil mala­king flat tv ang kanyang napanalunan.

Subalit nang iuwi na niya ito sa kanyang probinsya, doon niya nakitang may gasgas ang TV at wala pang remote control at manual.

Wala nang nagawa ang matanda kundi ang pagtiyagaan na lamang ang segunda manong telebisyon dahil sa gumagana pa naman ito.

Pintahan n’yo na. Ang government official na nagpa-raffle ng segunda manong telebisyon ay kilabot ng kababaihan at may letrang G sa kanyang pa­ngalan as in Gigolo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy