Una sa Balita

Gov Velasco sinita ng COA sa P318M infra bid

0 344

Kinuwestiyon ng Commission on Audit­ (COA) ang 91 kontratang ini-award ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque na nagkakahalaga lahat ng P318M dahil sa kabiguang makapasa sa post qualification requirements na nagresulta sa pagkaantala ng 18 infras­tructure project.

Ang mga post-quali­fication requirement ay nakasaad sa Section 34.3 (b), Rule X ng Revised Implementing Regulations of RA No. 9184 o mas kilala bilang Government Procurement Reform Act.

Sa kaso ng Marinduque, nadiskubre ng mga state auditor na 91 kontrata na karamihan ay in-award sa GTJ Cons­truction, DQT Builders Corporation at Jeff Enterprises ay nagkaroon ng “overlapped implementation period”.

“While there is no categorical prohibition on the awarding of multiple contracts to a single contractor, the awarding of the 43 projects to GTJ Construction, 19 projects to DQT Builders Corporation and 17 pro­jects to Jeff Enterprises has violated the post-qualification requirements mandated under Section 34.3 (b), Rule X of the Revised IRR of RA No. 9184 particularly those that pertains to competence of key personnel of every contractor,” ayon sa COA.

Kaugnay nito ay inirekomenda ng COA sa Bids and Awards Committee ng provincial government na ipaliwanag ang hindi pagiging istrikto sa evaluation ng mga dokumento, gayundin ang pagpapataw ng parusa ni Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa mga pasaway na kontratista. (Yves Briones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy