Gov. Imee Marcos ipaaaresto

By

Namumurong ipaaresto ng Kamara si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kapag hindi pa rin ito nagpakita sa susunod na pagdinig ng kapulungan kaugnay ng kinukuwest­yong pagbili ng mga multicabs gamit ang parte ng tobacco excise tax ng kanilang probinsya.

Ito ang ibinabala ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, chairman ng House committee on good government and public accountabi­lity kung saan sinabi rin nito na magkakaroon ng emergency hearing bukas ang komite upang bigyan ng pagkakataon ang ‘Ilocos 6’ na magsabi ng katotohanan sa umano’y anomalya sa P66.45 million tobacco excise tax na ginamit sa pagbili ng mga sasakyan noong 2011 at 2012.

“(The) panel is also prepared to do a Ronnie Dayan on Gov. Imee Marcos,” ayon sa mambabatas kapag hindi pa rin aniya nagpakita ang gobernador sa regular committee hearing sa Hulyo 25, 2017.

Si Dayan ang dating driver at naging lover din umano ni Sen. Leila de Lima na ipinaaresto ng Kamara matapos tumangging humarap sa pagdinig ng House committee on justice sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang taon.

Napadalhan na ng subpoena at show cause order si Marcos para dumalo sa pagdinig ng komite sa Hulyo 25 at kapag wala pa rin itong tugon ay mapipilitan umano ang komite na ipaaresto ang gobernador.

“We do not want to embarrass the Governor. However, if she forces our hand, of course we are ready to do a Ronnie Dayan on her, in accordance with House rules,” ayon pa kay Pimentel.

CA BINASAG NG EX-JUSTICE

Inamin naman ng isang dating mahistrado ng Court of Appeals (CA) na kongresista na ngayon na may problema talaga sa CA dahil umaakto ang mga ito na sila ang Korte Suprema.

Kaya suportado umano ni Leyte 3rd District Rep. Vicente ‘Ching’ Veloso ang plano ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na lusawin ang institusyon na kanyang pinanggalingan.

“Well, I came from the Court of Appeals and I’m quite sure of what the law is on the matter.


Ang problema talaga ng Court of Appeals is that it is acting as if it is the Supreme Court,” ani Veloso.

SHARE