Una sa Balita

Gov. Fernando wagi sa Bulacan

0 336

NANALO si Vice Governor Daniel R. Fernando matapos siyang iproklama ng Provincial Board of Canvas­sers bilang governor-elect ng Bulacan kamakalawa nang gabi sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Nakakuha si Fernando ng kabuuang 706,903 boto mula sa mga Bulakenyo habang nasa 406,366 boto ang kanyang kalaban na si Mayor Christian D. Natividad.

Pupunan ng kanyang running mate at papaalis na si Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado na mayroong 812,859 boto laban kay Bokal Anjo Mendoza na mayroon lamang 452,006 boto ang babakante­hing puwesto sa pagka-bise gobernador ni Fernando.

Ayon kay Fernando, patuloy sila ng kanyang katuwang na si Alvarado sa pagkakamit ng mas maganda at mas progresibong Bulacan.

“Tuluy-tuloy po ang ating serbisyo para sa mga Bulakenyo tulad ng pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga nasa barangay, ang pagbibigay ng scholarship sa ating mga mag-aaral, gayundin ang pagsuporta sa ating mga magsasaka. Dodoblehin po natin ang serbisyo para sa lalong ikauunlad ng ating lalawigan,” ayon kay Fernando. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy