Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gorilla nagpositibo sa COVID

0 95

Lumabas sa pagsusuri na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang gorilla sa sikat na safari zoo sa San Diego, California.

Iniimbestigahan ngayon ng mga scientist sa San Diego ang posibleng human-to-animal transmission dahil napagalaman na asymptomatic ang empleyado ng zoo na siyang nagaalaga sa mga gorilla.

Malaki umano ang posibilidad na dito nakuha ng gorilla ang virus.

SM food to go Banner Ad

Kasalukuyang nakakaranas ng congestion at ubo ang naturang mga gorilla na binabantayan ng mga doktor.

Sa isang pahayag na inilabas ng safari park sinabi nito na naka-quarantine ang mga gorilla at normal namang nakakain at nakaka-inom ng tubig kaya umaasa sila na makakarekober ang mga Ito.

Ipinag-utos naman ni California Governor Gavin Newsom na magsagawa ng genetic sequencing ng naturing virus para makumpirma kung posible ang human to animal transmission.

May walong gorilla pa na kasama ng dalawang infected ang poisibleng nahawa na rin kaya binabantayan ang posibilidad na magkaroon ng outbreak sa naturing zoo. (Dave Llavanes Jr)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.