Una sa Balita

Gordon tinuloy ang reklamo

By
0 2

Hindi na nagpaawat si Sen. Richard Gordon at itinuloy nito kahapon ang paghahain ng ethic­s complaint laban kay Sen. Antonio Trillanes IV matapos ang majo­rity caucus ng Senado kahapon.

“I have the support of more than the majority,” ayon kay Gordon sa ambush interview matapos ang caucus.

Aniya, labag sa Senate Code of Ethics ang mga lengguwahe ni Trillanes sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa shabu shipment sa Bureau of Customs, partikular ang sinabi nitong ‘komite de absuwelto’ ito.

Samantala, tiniyak naman ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na hindi tatratuhing espesyal ang inihaing reklamo ni Gordon at idadaan ito sa normal na proseso subalit aminado ito na nakita niyang hindi maganda ang nangyaring eksena sa pagitan ng dalawang kasamahan kaya’t napapanahon na upang resolbahin ito.

Hintayin na lamang aniya ang imbestigasyon ng Senate committee on ethics at ang magiging rekomendasyon nito.