Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gordon pumiyok sa P100M PhilHealth advance : China PPE P1B overpriced

0 72

“Overpriced na nga, di pa pinagawa sa Pilipinas.”

Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros sa limang milyong overpriced Personal protective equipment (PPE) sets na binili ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) mula Abril hanggang Mayo ngayong taong ito.

“Out of the 11 contracts of the PPE sets, seven were with China-based companies. Bakit inuna ang mga dayuhang kontraktor bago ang mga Pilipinong kompanya?” tanong ni Hontiveros.

Ayon sa senadora, sa 11 procurement lumalabas na presyo ng PPEE ay overpriced ng P200 kada unit o kabuuang P1 bilyon.

“To make matters worse, in these 11 procurements we analyzed, it appears that the PPE prices were overpriced by at least P200 per unit or P1 billion in total,” sabi ni Hontiveros.

Nauna na aniyang tinantiya ng Philippine General Hospital na ang halaga ng PPE set ay P1,200 hanggang P1,5000 habang ang PPE sets naman na binili ng PS-DBM ay may presyo mula P1,700 hanggang P2,000.

“Crucially, the one billion pesos could have also been allocated to increase the salaries of our health workers,” dagdag pa nito.

Sa limang milyong PPE sets, tatlong milyon dito ay binili sa Chinese companies na kinabibilangan ng Xuzhou Const. Machinery Group, Wen Hua Dev’t Industrial Co., Ltd., Chushen Company Ltd., Pacific Field (Hong Kong) Ltd., at Shanghai Puheng Medical Equipment Co. Ltd.

“DBM should explain these suspicious transactions. The Department of Health should also have exercised its mandate to inspect these procurements, especially since this is a vital aspect of our overall COVID-19 response,” ayon kay Hontiveros.

Samantala, iginiit ni Senador Richard Gordon, Philippine Red Cross (PRC)Chairman at CEO na walang iregularidad at wala ring nalabag na batas ang advance payment ng Philippine Health Insurance Inc. (PhilHealth) sa PRC para sa Covid test.

Ito ang sinabi ni Gordon sa gitna ng alegasyon sa maanomalyang advance payment ng PhilHealth .

Giit ni Gordon bawal sa auditing rules ng PhilHealth na magbayad ng advance dahil ang mandato nito ay mag-reimburse o magbayad sa serbisyong nagawa na.

Wala rin aniyang conflict of interest dahil siya ang chairman ng PRC at chairman ng Senate blue ribbon committee na nag-imbestiga sa katiwalain sa state health insurer.

Wala rin aniya siyang ‘share’ sa PRC na isang non-stock at non-profit organization.

May kontrata aniya ang Red Cross at PhilHealth kung saan pinagbasehan nito ang batas na Bayanihan to Heal as One Act na nagsasabing partner ng pamahalaan ang PRC sa COVID-19 test.

Nakasaad din sa Bayanihan 1 at sa iba pang mga patakaran ang P100 milyong advance payment kung saan pinpayagan ang PhilHealth na magbigay ng advance payment.

Sinabi pa ni Gordon na nagdaang taon pa isinagawa ng Senate blue ribbon committee ang pagdinig sa iregularidad sa ahensiya at wala itong kinalaman sa pandemya.

Bunsod nito ay hinamon ni Gordon ang mga kumukuwestiyon sa kasunduan ng PRC at PhilHealth na maghain na kaso laban sa kanila sa korte. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.