Gordon kinuwestyon ni Poe

By

Kinuwestyon ni Sen. Grace Poe kung ano ang pakay ni Sen. Richard Gordon na muling imbes­tigahan ng Senado ang Mamasapano massacre.

Katuwiran ni Poe, nakasampa na sa Ombudsman ang kaso laban kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima at dating Special Action Force (SAF) chief Director Getulio Napeñas kung kaya’t maaaring gamitin ng tatlo ang dahilan ng ‘sub judice’.

Si Poe ang dating chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drugs na siyang nag-imbestiga sa Mamasapano massacre noong 16th Congress.

“Kahit tawagin pa si President Aquino dito upang mag-testify, pwede n’yang sabihin na may kaso na ‘yan kaya hindi na natin pwedeng sagutin ang mga bagay na ‘yan, kaya gusto kong malaman ang mismong pakay din ni Sen. Gordon, although, hindi ako tututol dahil ‘yan ay kanyang prerogatiba bilang chairman ng Blue Ribbon committee kung gusto n’ya itong dinggin,” diin ni Poe.

SHARE