Una sa Balita

Gordon kinalampag: P6.8B shabu smuggling imbestigahan

By
0 598

Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na espekulasyon lang na may laman na isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon ang nakitang mga magnetic filter sa isang warehouse sa Cavite, nais naman ng mga senador mula sa minorya na ituloy ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa kontrobersyang ito.

Ito ay makaraang mag­hain na rin ng re­solusyon ang ilang mga minority senator para sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkakapuslit umano ng P6.8 billion na ha­laga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC) upang suportahan ang naunang inihaing reso­lusyon si Senador M­anny Pacquiao.

Sa Senate Resolution 849 na inihain nina Se­nators Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV, Risa Hontiveros, Leila de Lima, Bam Aquino at Franklin Drilon, iginiit nila sa komiteng pinamumunuan ni Senado­r Richard Gordon na imbestigahan ang mga opisyal na sangkot sa insidente.

Nais malaman ng mga senador kung paano nakapasok sa ban­sa ang kargamento sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) at nakalusot sa pagsusuri ng BOC.

Nanindigan na si BOC Commissioner Isidro Lapeña na walang nakalusot na droga sa BOC dahil nang suriin ang mga magnetic lifte­r na nakita sa GMA, Cavite, negatibo ito sa bakas ng shabu, taliwas sa sinabi ng ­opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).