Una sa Balita

Gordon, game tsugiin sa Blue Ribbon Committee

0 413

HANDA si Senador Richard Gordon na matanggalan ng komite sa Senado dahil sa ginawang pagpuna sa militarisasyon ng gobyerno.

“Kung ayaw n’yo ang ginagawa ko karapatan nila na tanggalin tayo. Kung gagamitin ang mayorya para tanggalin tayo, I will go where I can make a difference,” saad ni Gordon sa isang programa ng DWIZ.

Si Gordon ang chairman ng Senate blue ribbon committee at go­vernment corporations and public enterprises.

Nangako na si Gordon na imbestigahan ang naging rebelasyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson hinggil sa umano’y anomalya sa PhilHealth.

Nitong Huwebes, binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gordon dahil sa ginawang pahayag nito na probinsyano ang Chief Executive kaya’t puro mga militar ang iniluklok sa gobyerno.

Sa speech ng Pa­ngulo, tinawag niyang penguin si Gordon at nasa tiyan ang utak at “was a fart away from disaster.”

Naniniwala naman ang senador na may bumulong kay Pangulong Duterte kaya’t pinag-iinitan siya ngayon.

“Hindi ko alam baka may nanggagatong sa presidente o baka napapagod lang siya, maaa­ring sa kapaguran niya, may nabanggit siya siguro nasasaktan siya, ginatungan, alam n’yo naman diyan maraming nagpapalakas, maga­ling manggatong,” wika ni Gordon.

Nanindigan pa ang senador na patuloy niyang susuportahan ang administrasyon sa magandang hangarin nito sa taumbayan.

“Eh ba’t kami mag-aaway eh kami ay andiyan para magtulungan, tulungan ang gobyerno, tulungan ang Presidente na mag-succeed,” dagdag pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy