Una sa Balita

Gordon dumagundong, GSW ni Curry timbuwang!

By
0 1,562

Umiskor ng 24 off the bench si Eric Gordon bago ninakaw ang last possession ng Golden State at sinelyuhan ng Houston Rockets ang 98-94 panalo, Huwebes nang gabi para sa 3-2 lead sa Western Con­ference finals.

Hindi lang natapos ni Chris Paul ang panalo ng Rockets dahil inabot ng right hamstring injury at lumabas ng court sa final minute.

Hindi pa sigurado si Paul sa Game 6 sa Oakland sa Sabado. Kapag muling nanalo ang Houston, bibiyahe sila sa unang NBA Finals sapul nang tuhugin ang dalawang kampeo­nato noong 1994-95.

Tumipa ng 29 points si Kevin Durant sa Warriors, tulad ng Cleveland sa East ay nanganganib matuldukan ang tatlong sunod na trip sa championship round.

“We haven’t been in this position before … so it’s a chapter we need to figure out and finish the story,” pahayag ni Stephen Curry.

Nagsalpak si Draymond Green ng tres, higit isang minuto pa para idikit ng Golden State sa isa.

Sablay ang huling long range attempt ni James Harden na 0 for 11 sa 3s kulang 30 seconds na lang sa laro at bumalik sa Warriors ang bola.

Kabyos din ang floate­r ni Curry, di­namba ni Trevor Ariza ang rebound at na-foul 10 segundo sa orasan. Kaya lang, isa lang ang naipasok niya at nagkaroon ng isa pang tsansa ang Golden State.

Pero naagaw ni Gordon ang bola nang mawala sa kamay ni Green sa lane. Nagdagdag si Gordon ng dalawang free throws 2.4 ticks na lang para selyuhan ang panalo.

“We was supposed to score,” pakli ni Green nang matanong kung paano sana ang diskarte sa last play. “I lost the ball … not much more to it than that.”