Gordon dismayado sa pananahimik ni Duterte sa shabu smuggling

By

Aminado si Senador Richard Gordon, maging siya ay  dismayado at kinukwestiyon ang pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa eskandalo ng Bureau of Customs (BOC) na nalusutan ng P6.4 bilyong smuggled na shabu mula sa China.

Ayon kay Gordon, halos lahat silang mga senador ay kinukwestiyon ang pananahimik ng pangulo sa usapin partikular ang pagbibigay pa nito ng kumpiyansa kay BOC Commissioner Nicanor Faeldon sa kabila ng eskandalo.

“Halos lahat kami kinukuwestiyon ‘yan,” ani Gordon bilang suporta sa unang pagpuna ni Senador Panfilo Lacson sa pananahimik ni Duterte.

Matatandaang sinabi ni Lacson na parang walang nakikitang galit mula sa pangulo kahit na sumasagitsit ang eskandalo ng korapsyon at smuggling ng shabu sa BOC.

Sa kabila nito, naniniwala si Gordon na maaring may hawak na impormasyon ang pangulo kaya’t bibigyan pa rin niya ito ng “benefit of the doubt”.

“I give the president the benefit of the doubt, hinihintay ko siya. Maaring may impormasyon ang pangulo na hindi natin alam,” giit ng senador.

SHARE