Una sa Balita

Gordon bibigyan ng leksyon ni Lacson

By
0 1,476

Tatangkain ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na alisin kay Senador Richard­ Gordon ang ugali nitong pagmomonopolya sa mga pagdinig sa Senado.

Ayon kay Lacson, plano niyang komprontahin si Gordon sa plenaryo sa pagdedebate hinggil sa Dengvaxia report ng Blue Ribbon Committee upang ipaalam sa kanya kung paano pinangungunahan ang mga pagdinig at umaasa siyang mababago nila ito.

“We give it to him kasi passion niya minsan ‘pag nagsalita siya sobrang passionate wala na talaga makasingit. Pero ito lalabas sa interpellation how he conducted pati ang pag-conduct ng hearings and hopefully magkaroon ng kaunting pagbabago sa pag-preside niya sa pagdinig kasi ‘di natutuwa ang iba,” sabi ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na nais niyang ipabatid kay Gordon na dapat din itong mag-adjust dahil may mga impormasyon na hindi rin nakukuha sa mga pagdinig sanhi ng pagsosolo nito.

“I intend to do that para magkaroon ng wake up call na i-correct mo naman, mag-adjust ka kaunti sa aspeto na ito,” giit pa ni Lacson.

“Kasi may information na talagang ‘di na-extract from the resource persons and I intend to show that. Kaya inevitably kailangan ipakita ang manner of presiding over the hearings. Dahil ‘di pa nakakapagsalita, ‘pag nagtanong minsan ang nangyari siya rin ang sumasagot.

At ‘pag taliwas sa kanyang paniniwala ang sagot ng resource person, pinipigilan niya,” ayon pa sa senador.

Pero tiniyak naman ni Lacson na hindi masisira ang kanilang pagkakaibigan ni Gordon.

“‘Di naman masisira ang friendship. Even du­ring investigation ng BRC sa P6.4B shabu nagkaroon kami ng maski paano confrontation sa lounge. I already confronted him for not allowing the other members to participate,” diin pa ni Lacson.