Una sa Balita

Gorayeb: Liyamado ang F2, Petron, Cignal

0 214

NANINIWALA si PLDT Home Fibr Power Hitters head coach Roger Gorayeb na bagama’t nakalalamang ang F2 Logistics, Petron at Cignal sa 2019 Philippine SuperLiga Invitational Conference ay halos lahat naman ay contender para maging kampeon.

Ito’y dahil sa maiksing format ng laban.

Ayon kay Gorayeb, bata ang kanyang team dahil dalawang taon pa lang silang magkakasama kaya nasabi niyang angat sa laban ang may mga beteranong player sa event na magsisimula sa Setyembre 24.

“Siyempre lamang diyan ‘yung consistent maglaro, laging nandyan ‘yung F2, Petron at Cignal, pero lahat naman contender hindi mo masabi baka biglang may lumakas kasi ‘yung format ngayon parang two weeks lang kaya lahat ng laro ay bakbakan agad,” sabi ni Gorayeb kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila.

Walong team ang magsasalpukan sa preliminary round pero mahahati ito sa dalawa, lumalabas na aabot lang sa 20 matches sa buong conference at magtatapos sa October 17.

Hindi na dadaan ng quarterfinals, salang agad sa semifinals kung saan maglalaro ang Top seed at No. 4 team habang makakatapat ng No. 2 ang No. 3 team, parehong tig-isang laro.

Isang laro din sa Finals, iniksian ang bakbakan upang magbigay daan sa hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games sa Nobyemre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang ibang sasabak sa final conference ng liga ay ang Foton Tornadoes, Marinerang Pilipina Lady Skippers, Generika-Ayala Lifesavers at Sta. Lucia Lady realtors. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy