Una sa Balita

GOODVIBES: Mag-asawang Pinoy, kinilala sa pangangalaga ng mga manggagawa sa UAE

0 2,595

Dahil sa kanilang partisipasyon na mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa United Arab Emi­rates (UAE), binigyan ng award ang mag-asawang Filipino bilang pagkilala sa kontribusyon nila sa labor force.

Sina Joy at Paul Uvero ang natatanging Filipino sa hanay ng tinatayang isang daang certified experts at evaluators na inatasan ng gobyerno upang piliin ang mga kompanya na nagbibigay ng pinakamaayos na ‘working and living conditions’ sa kanilang empleyado.

Ang selection process ang ginawang basehan ng Taqdeer Award.

Ang mga miyembro ng team ay binubuo ng mga kuwalipikado at puno ng karanasan sa industriyang kanilang ginagalawan.
Si Joy ay nagsisilbing learning and development coordinator ng JA Resorts and Hotels at assessor din ng Dubai Quality Awards (DQA) at Dubai Human Development Awards (DHDA)

Sinabi ni Joy na pumayag siyang mapasama sa team dahil sa gusto niyang magkaroon ng partisipasyon upang mapabuti ang kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa UAE. Si Joy din ang nagrekomenda para mapasama sa team ang asawang si Paul.

Ang mag-asawang Filipino, kasama ang iba pang assessors, ay binigyan ng awards of appreciation mula mismo kay HE Major General Obaid Muhar Bin Suroor, chairman ng Permanent Committee of Labor Affairs ng Dubai.

Ang Taqdeer Award ay isang uri ng points-based reward system kung saan ang kompanya ay binibigyan ng rating mula 1 hanggang 5 stars. Ang nakakakuha ng top stars ay isinasama sa bidding ng international contracts.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More