Una sa Balita

GOODLUCK, PHL TEAM!

By
0 2

KUALA LUMPUR — May personal na pinag-aalayan si 2016 Rio de Janeiro Olympian taekwondo jin Kirstie Elaine Alora ng karangalang pagiging national flag-carrier sa 29th Southeast Asian Games 2017 opening ceremony ngayon sa Bukit Jalil National Stadium dito.

Inihahandog niya ang pribilehiyo pati ang kanyang kampanya hindi lang sa lahat ng Pilipino, kundi lalo para sa kapwa niya Olympian Ian Lariba ng table tennis,  na nakikipaglaban sa leukemia sapul pa noong Mayo.

“This is for her (Lariba),” magkahalong may pagmamalaki pero mas nangingibabaw na kalungkutang pahayag ng 27-anyos na tubong Biñan City at sasabak pa lang sa prelim kyorugi 73-kilogram sa dara­ting pang Agosto 29.

Pero bago pa ang pambungad na seremonyas sa 11-country, 12-day biennial sportsfest na aabutin sa Aug. 29, ipagpapatuloy ng isa pang beterana ng RDJ Olympics na si Mary Joy Tabal na mabigyan ng unang gold medal ang bansa rito tapos mabigo sa nakatakdang maging pangatlong araw hanggang sa nakatakdang matapos na mga aksyon kagabi.

Mataas ang kumpiyansa ni Tabal na makuha ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa lahat ng sports at sa track and field para masundan ang 1 silver mula sa sepak takraw-men’s chinlone at dalawang bronzes na mula sa compound archery.

Tatakbo sa ganap na alas-6:15 ng umaga sa women’s marathon ang pinatapang ng ilang buwang European training (Switzerland at Italy) sa ilalim ng mahirap at mainit na mga lansangan na may 38-45 degrees sa misyong ginto at wala nang iba pa ang tudla pagka­lipas ng silver-finish sa 2015 Singapore SEA Games.

Mauuna sa 28-taong-gulang na tubong Cebu ng 15 minutos si Jeson Agravante na inaasahan naman sa men’s side.

Samantala, nalasap ng national men’s football team unang talo sa dalawang laro kontra Indonesia, 0-3, sa Shah Alam Stadium. Gayundin ang women’s squad laban sa Vietnam, 0-3 sa UM Arena sa Petaling Jaya.

“I cannot accept those first two goals by Indonesia because we lost our focus and concentration on defense. Those goals were not supposed to happen,” komento ni coach Marlon Maro ng men’s team na natengga sa 3 points para sa 3rd spot..

Aminado si coach Letlet Dimzon sa pagkabigo ng PH 11 sa Vietnamese.

“Vietnam is superior in technical and tactical abi­lity, and they showed it in the game.  We were aiming to draw this game. But due to fatigue the players started to slow down and lose concentration,” ani Dimzon.