Una sa Balita

GOODBYE UN! — PDU30

By
0 126

Nagbanta kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas na lang sa United Nations (UN) ang Pilipinas dahil sa pakikialam sa giyera ng kanyang administrasyon kontra droga.

“Maybe we’ll just have to decide to separate from the United Nations (UN). Eh kung ganu’n kayo kabastos pu—— eh umalis na kami diyan sa inyo,” banat ni Pangulong Duterte.

Sa press conference sa Davao City nitong Linggo ng madaling araw, inanyayahan din ni Duterte ang mga kinatawan ng UN na pumunta ng Pilipinas upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga nagaganap na patayan dito.

“When were you here the last time? Never. Except to criticize… When have you done a good deed to my country? We are contributing money,” dagdag pa ni Duterte.

Nang usisain ng mga mamahayag kung seryoso ang Pangulo sa bantang pagkalas sa UN, sumagot ito na kailangang ibalik muna ng UN sa Pilipinas ang kontribusyon nito sa nasabing organisasyon.

“The joke is on you. You have to refund me with so many contributions we have made all these years,” aniya.

Bunsod ito ng pahayag ni UN special rapporteur Agnes Callamard na iimbestigahan niya ang serye ng patayan sa Pilipinas.

“You’re complaining that there is no process. Okay, you guys, you law expert of the United Nations, come here, come here and face me and make the accusations and I will show you the statistics and I will hold your finger and teach you how to count,” hamon ni Duterte.

“If you could not do that, be prepared to answer for my questions. And it will really be a sad story for both of us. You do not publish there with the NGOs about killing. You are publishing the side of the criminal. How about now publishing the side of government protecting people or preventing the killing of people, innocent victims?” banat pa ng Pangulo.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar, kakausapin nito si Pangulong Duterte ngayong Lunes kung seryoso ito sa bantang pagkalas sa UN.

“I will have to ask the President about it… so bukas (ngayon) may cabinet meeting, tatanungin ko si Presidente.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy