Una sa Balita

Goodbye Compostela Valley: Probinsya tatawagin nang Davao de Oro

0 214

Papalitan na ang pangalan ng Compostela Valley ng Davao de Oro.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalit sa pangalan ng lalawigan.

Batay sa nilagdaang Republic Act No. 11297, ang Compostela Valley ay tatawagin ng Davao de Oro at magiging epektibo ito labing-limang araw matapos na mailathala ang batas sa mga pangunahing pahayagan o sa official publication ng Malacañang.

Nakapaloob sa batas na kailangang isailalaim pa rin sa plebisito ang pagpapalit sa pangalan ng lalawigan para makuha ang pulso ng taongbayan kung pabor ba sila o hindi sa bagong pangalan ng kanilang lugar.

Pangangasiwaan ng Commission on Elections ang plebisito.

Ipinaliwanag ni Senador Sonny Angara na siyang nag-sponsor sa batas na angkop ang Davao de Oro dahil ang lalawigan ang may pinakamalaking deposito ng ginto sa buong bansa na siyang sentro ng minahan sa Mindanao.

Mas makakahikayat umano ng mga mamumuhunan kung Davao de Oro ang gagamiting pangalan ng lugar. (Aileen Taliping)

Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy