Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Goodbye Andrea’ Francine, Seth magkasama noong Bagong Taon

0 152

Goodbye SethDrea (Seth Fedelin at Andrea Brillantes) na nga ba?

Baboo na ba talaga ang KyCine (Kyle Echarri at Francine Diaz)?

Andrea left the group!

Kyle left the group!

Hello KyDrea na ba ulit sa harap ng kamera?

At yes to FranSeth na nga ba ang sigaw ngayon ng mga fan?

Well, ganiyan nga ang sunod-sunod na katanungan, reaksiyon ng mga fan, netizen, nang biglang-bigla ay naglabasan ang mga photo na magkasama sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Yes trending nga ang #FranSeth, pati na rin ang #Blythe (social media name ni Andrea Brillantes).

Ang rason nga, biglang-bigla ay naglabasan ang mga photo na magkasama sina Seth at Francine.

Sabi nga, sa mismong bahay umano `yon ni Francine, na nagpunta nga si Seth.

Anyway, lumabas nga sa Facebook account ni Merdick Saenz Diaz ang mga photo na kasama nila si Seth. May caption na ‘Happy New Year’ at late upload nga raw `yon.

Anyway, noon pa man ay marami na ring fan ang nagsasabing mas bagay sina Francine at Seth. Parehong masang-masa ang appeal.

Mas may kilig, magic nga raw ang dalawa, kapag magkatabi sila.

Ayaw namang tumalon agad-agad sa kung ano-anong konklusyon ang mga faney, dahil siyempre naman, hindi kataka-takang close rin sina Seth at Francine, dahil madalas din naman silang magkasama sa mga taping.

Pero, kung titingnan mo, tila mas maraming fan ang nagsasabing mas bagay nga sina Seth at Francine.

“Hoping for Francine and Seth to have a movie.”

“Petition for Francine and Seth to have a movie.”

“FranSeth? Why not? They’re so cute together.”

“Let’s manifest this! FranSeth billboard soon.”

“Puwede tayo mag-support at pwedeng hindi. Sarili natin desisyon yan. Wag naman sana dumating sa point na kailangan natin diktahan ang mga idol natin kung sino ang kakaibiganin nila at hindi!” sabi ni Mother Mheck.

Kasi naman ang ibang fan, mga photo pa lang nina Seth at Francine ang lumalabas na may kasamang iba pa, at hindi mga photo talaga nilang dalawa na nasa sweet moment, pero super react na sila agad, na kesyo kinawawa si Andrea, na kesyo si Andrea na lang ang susuportahan nila.

Pero depensa rin ng mga fan ni Seth, bakit daw si Andrea, puwedeng makipag-friends sa ibang boylet sa showbiz, si Seth daw ba ay hindi puwedeng makipag-friends sa ibang girls, lalo na kay Francine?

Well, walang katapusang ‘bashing’ and ‘hating’ na naman ang mababasa mo sa Twitter, FB, at abangan na lang natin kung hanggang saan aabot ang chikang ito?

Waiting din ang mga fan sa statement ni Seth, at ni Francine, at siyempre, reaksiyon ni Andrea!

Inigo binuking sikreto ni Piolo

Ang mga larawang pinost ni Inigo Pascual na kasama ang tatay niyang si Piolo Pascual ang nagbuking kung anong klaseng ama ba ang mahusay na aktor.

Makikita sa mga photo nina Inigo, Piolo, na magkasundo sila sa maraming bagay. Mula sa pagsu-swimming, hanggang sa pagdyi-gym, kulitan sa pagkain, pagwa-wacky face, pagbibisikleta, at kung ano-ano pa.

Anyway, birthday nga kasi ni Piolo, at heto nga ang mensahe ng kanyang anak sa kanya:

“Happy Birthday to my father.

“I choose these photos that show how you are as a father, that not a lot of people get to see. Thanks for always being fun and for all the lessons and teaching me to push myself and not be afraid of challenges. Description: ️

“Love you pa. Happy Birthday.”

Well, sarap maging ‘tatay’ ni Piolo, di ba? Bukod sa secure na ang future mo, parang may barkada ka pa na puwede mong bitbitin, makasama sa maraming okasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.