Good news sa undocumented Pinoys sa Switzerland

By

Magandang balita para sa may 1,697 undocumented overseas Filipino workers (OFWs) na nananatili sa bansang Switzerland.

Ito ay matapos na buksan ng gobyerno ng nasabing bansa na bigyan ng pagkakataon ang mga undocu­mented migrants sa Canton of Geneva, Switzerland na legal na makapagtrabaho at manirahan sa Geneva.

Sa pamamagitan ng tinawag na bagong scheme ng Geneva authorities na ‘Operation Papyrus’, nilalayon nito na payagan ang mga undocumented migrants sa Geneva na mag-apply ng legal residency permit kung makakasunod ang mga ito sa itinatakdang kuwalipikasyon.

Kabilang na rito kung ang isang migrant ay naninirahan sa Canton sa loob ng 10 taon, may A2 level French proficiency, at nagpapakita ng kakayahang suportahan ang pamumuhay nito.
Sa sandaling maaprubahan, ang legal residency permit sa mga undocumented migrant ay legal nang makakapagtrabaho at makakapanirahan sa Geneva.

Sinasabing ang ‘Operation Papyrus’ ay iiimplementa sa loob ng dalawang taon mula 2017 hanggang 2019.


SHARE