Una sa Balita

Good news: DSWD may bagong satellite gadgets sa kalamidad

By
0 143

Layon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mapalakas pa ang sistema ng operasyon nito sa pamamagitan ng pagtiyak na magiging mabilis, episyente at maaasahan ang disaster response operations sa bansa.

Kaugnay nito ay sinubok na ng DSWD sa isang simulation exercise ng kanilang Rapid Emergency Telecommunications Team ang bagong state of the art satellite telecommunications and connectivity equipment nito.

Binabalak ding subukan ang nasabing equipment sa nationwide simultaneous earthquake drill na itinakda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa Setyembre 27.

Ang nakuhang mobile satellite ay bunsod na rin ng International Partnership Programme sa United Kingdom Space Agency (UKSA).

Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Emmanuel Leyco, malaking ayuda ang bagong satellite gadgets sa pagpapabuti ng disaster capability ng DSWD lalo na sa aspeto ng magarantiyang may tuluy-tuloy na komunikasyon lalo na kapag may kalamidad na malimit na bumabagsak ang mga linya ng komunikasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More