Una sa Balita

Good news 7M workers makikinabang sa P25K tax free

By
0 8

Posibleng lumaki ang suweldong maiuuwi ng mahigit pitong milyong manggagawang nagbabayad ng buwis kapag sinimulan nang pairalin ang bagong tax system batay sa amyendang gagawin matapos ang dalawang dekada.

Nakasaad sa Senate ways and means committee report na ang mga empleyadong sumasahod ng P150,000 sa loob ng isang taon ay hindi na kakaltasan ng buwis at mananatili pa rin ang tax-free na Christmas bonus, 13th month pay na hindi lalagpas ng P82,000.

Sinabi rin ni Senador Sonny Angara, chairman ng komite, na mabibigyan ng P100,000 additional exemption hanggang apat na dependents ang isang empleyado na mangangahulugan ng P25,000 karagdagang tax-exempt sa kanilang monthly income.

Sa ganitong sistema, binigyang-diin ni Angara na halos 90% ng 7.5 million individual tax payers ang makikinabang sa mababang buwis samantalang ang 81% o 6.1 million workers ang exempted na sa pagbabayad ng income tax.
“Sa kasalukuyang sistema, nasa 2 milyon minimum wage earners lamang ang exempted sa pagbabayad ng buwis pero kapag fully implemented na ang tax reformed ay mas lalawak ang coverage nito at pakikinabangan pa ng milyun-milyong work forces ng bansa,” sabi pa ni Angara.

Inihalimbawa ni Angara ang isang guro na sumasahod ng P17,254 subalit kinakaltasan naman ng 20% buwanang tax kaya malaki ang nawawala sa kanilang kita.

Sa ilalim ng pagbabago ng sistema ng pagbubuwis, binanggit na ng senador na mawawala na ang dalawampung porsiyentong kaltas sa mga guro at iba pang katulad na manggagawa kaya mas magiging malaki ang buwanang takehome pay ng mga ito.

Sa pamamagitan din ng isinusulong na batas ni Angara, magpapatupad na ang gobyerno ng awtomatikong sistema ng pagbubuwis kada ikatlong taon upang hindi maapektuhan ang mga mababa ang sahod sa tuwing nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.