Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Good luck girl: Rabiya umariba sa swimsuit round ng Miss U

0 101

Tuloy ang pag-ariba ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo dahil hindi nawala ang kanyang confidence sa naganap na swimsuit round sa Miss Universe 2020 preliminary competition in Hollywood, Florida.

Wearing a yellow two-piece with a beach cover up, pinakita ni Rabiya ang kanyang nakakabaliw na hubog ng katawan, sabay paandar ng signature “Hala Bira” walk na siyang ikina-impress ng maraming netizen kaya muling nag-trend sa social media ang hashtag na #AribaRabiya at #PrelimPinas5.

Pinakilala si Rabiya ng mga host sa gabing iyon as “ambassador of the Philippines’ education department.” Ang mga host ay ang Miss Universe winners na sina Demi-Leigh Nel-Peters and Zozibini Tunzi.

Despite sa mga hindi inaasahan pangyayari sa National Costume Show, nanatili pa ring top favorite sa Miss Universe surveys si Rabiya.

Sa katunayan ay dumami pa ang followers ni Rabiya sa Instagram na umabot na sa 1.1 million ilang oras pagkatapos ng national costume show noong Friday.

Bilang celebration ng kanyang 1 million followers sa IG, naglabas ang team ni Rabiya ng pictorial niya na suot ay bejeweled lingerie. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.