Una sa Balita

Good job Marcial!

0 488

Hindi na biro ang COVID-19, sa pinakahuling ulat kahapon, umakyat na sa 20 ang bilang ng nagpositibo sa deadly virus sa Pilipinas.

Sunod-sunod na ring nagkansela ng mga sporting event, ang Palarong Pambansa 2020 na iho-host sana ng Marikina City sa Mayo at ang mga natitirang aktibidades ng NCAA Season 95.

Ang marami sa ating mga atletang sumusubok sa mga Olympic Qualifying tournament sa iba’t ibang panig ng mundo, sana ay nasa mabuti silang kalagayan at hindi mahawa ng sakit na ito.

Si Pangulong Rodrigo Duterte, nagdeklara na rin ng Public Health Emergency dahil sa pagkalat pa ng nakamamatay na virus.

Sama-sama po tayong magdasal na makahanap na sana ng lunas ang mga eksperto.

***
Magandang balita, sure na sa 2020 Tokyo Olympics (kung hindi rin makakansela dahil sa coronavirus) si Pinoy middleweight boxer Eumir Felix Marcial matapos talunin sa three rounds si Mongolian fighter Byamba Erdene Otgonbaatar sa quarterfinal round match nila nitong Linggo sa Asia-Oceania Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

Maiyak-iyak pa ang ating pambato nang kumpirmahin ang pagsampa niya sa pinaka-engrandeng sporting event sa buong mundo.

“Apat na taon kong hinintay ito matapos na hindi ako naka-qualify noong 2016 dahil sa injury. Kaya napakatamis nito. Lalo ko pang dodoblehin ang training ko para makuha ko ang talagang target namin ng Papa ko – ang ginto sa Olympics,” sabi ni Marcial.

Pangatlong Pinoy na si Marcial na swak sa Tokyo Games kasunod nina world gymnastics champion Caloy Yulo at pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena.

Inaasahang marami pang Pinoy athletes ang makakapasok sa Olympics gaya nina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.

Mabuhay kayo!
***
Maligayang ika-66 kaarawan sa aking idol, ang aking poging tatay, napakabait at supportive kong ama na si Eulogio ‘Leo’ Delos Santos Sr. bukas, Miyerkoles, Marso 11.

Pagbati mula sa ­aking inang si Rosalinda, mga kapatid na sina Ate ­Sally, Utol Jun-Jun at Utol Onek, mga hipag kong sina Cricel at Ivy, bayaw na si Jarwin, mula sa aming mag-asawang si Vernadeth at sa lahat ng mga apo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More