Una sa Balita

Gonzales, Navotas tinagpas ang Biñan

0 321

NAGPAULAN si Renz Gonzales at nanaig ang Navotas Clutch kontra Biñan City Laguna Heroes, 110-98, sa unang laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup 2019 kagabi sa Batangas City Coliseum.

Nagsalansan ng career-high 28 points si Gonzales para sa Navotas sa fastest growing basketball league na binuo ng Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquaio.

Katuwang ni Gonzales si Jhong Bondoc na may 23 markers at 11 rebounds, habang 19 points at 4 boards naman ang inambag ni Osama Adbusarad sa Navotas na balik sa win column hawak ang 5-11 kartada sa Group A North Division.

“Nagpapasalamat ako kay coach Gabby. Napakagaling na coach sobra. Ang galing mag-motivate,” pasasalamat na bati ni Renz sa kanyang coaching staff. “Kaya namo-motivate ako lalo na sa practice go hard lang ako palagi.”

Hindi naman naging sapat ang ginawa ni ex-pro Allan Mangahas na 24 points, 6 boards at 8 assists upang wakasan sana ang kanilang ika-4 na pagyuko tangan ang 6-13 panalo-talo kartada sa Group B South Division. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy