Una sa Balita

Gonzales, Flink nilunod ang Water Defenders

0 267

KABOG SA ARMY!

HUMAMBALOS sina import Olena Lymareva-Flink at Sarah Jane Gonzales para sa Pacific Town Army Lady Troopers, sinalya ang BaliPure Water Defenders 25-21, 25-20, 25-21 Miyerkoles sa pagpapa­tuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre.

Hataw ng 14 points si Lymareva-Flink para sa Lady Troopers na angat sa 4-3 win-loss record katuwang ang limang puntos at 21 excellent sets ng setter na si Gonzales.

Kulelat pa rin ang Water Defenders sa standings ng torneo na wala pang panalo sa pitong laban.

“‘Yun naman ang importante after a loss kung paano kami magre-recover from 2-3 days recovery para dun sa BaliPure para ma-sweep ito, kasi para ma-keep namin ‘yung standing o ranking namin towards the semifinals is medyo safe kami sa Top 4. Malaking bagay na nanalo kami ngayon,” pahayag ni Pacific Town coach Kungfu Reyes.

Katuwang din para sa Pacific Town Army si import Jenelle Jordan na may 11 points.

Susunod na makakatapat ng Lady Troopers ang nangunguna sa team standings na PetroGazz Angels sa Linggo, Hunyo 23. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy