Una sa Balita

Gonzaga, Laure ‘di sapat sa ‘Toray’

0 323

NAGLARO na para sa Philippine women’s volleyball pool sina Jovelyn Gonzaga, Eya Laure, Maddie Madayag at Jia Morado.

Lugmok pa rin sila kontra Toray Arrows ng Japan.

Walang nagawa ang presensiya ng naturang apat na manlalaro upang tulungan ang Philippine squad, yuko sa tune-up game kontra Toray Arrows, 26-24, 25-16, 25-11, 25-18, 21-19, nitong Linggo sa Thailand.

Ikalimang tune-up match ito ng koponan, isang talo at tabla kontra Under-23 Thailand team, lugmok laban sa Thailand senior squad at panalo sa Bangkok University.

Nakumpleto na nitong Linggo ang national pool na kinabibilangan rin nina Aby Maraño, Kalei Mau, Alohi Robins-Hardy, Majoy Baron, Aiza Maizo-Pontillas, Mylene Paat, Ces Molina, Roselyn Doria, Dawn Macandili at Kath Arado.

Maghaharap muli ang PH volleybelles at Toray Arrows, dating koponan ni Dindin Santiago-Manabat, sa Japan V.Premier League club ngayong araw bago tumungo sa Korat sa Miyerkoles at para sa Southeast Asian Grand Prix na nakatakda sa Sept. 20 at 22. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy