Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gonzaga hiwalay muna kay Daquis

0 44

SASANIB muna si volleybelle Jovelyn Gonzaga sa kanyang mother team na Philippine Army sa pinaplanong Premier Volleyball League (PVL) bubble kaya maghihiwalayuna sila ng dating kakampi sa Cignal HD Spikers na si Rachel Anne Daquis.

“Very clear na sa Army talaga ako pupunta since Army talaga ang aking mother team,” sey ng 29-anyos na balibolista sa Off the Record with Migs and Cesca nitong Lunes.

Ngayong lumundag kasi ang pinaglalaruang club team ni Jovelyn na Cignal HD Spikers sa PVL, kinailangan niyang mamili kung saan siya aanib.

Dahil dito ay hindi muna magsasama sa iisang koponan sina Jovelyn at long-time bestie na si Rachel Anne dahil mananatili si ‘Queen Tamaraw’ sa Cignal. (Aivan Episcope

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.