Una sa Balita

Gonzaga didikdikin ang Chef’s Classic

0 220

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)

2:00pm — Pacific Town vs Chef’s Classic

4:00pm — Creamline vs BaliPure

6:00pm — Motolite vs Air Force

PIPILITIN ng Pacific Town Army na bumalikwas mula sa pagkatalo pagharap kontra win-less Chef’s Classic sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 alas-2 ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Sa second game, banatan ang Creamline at BaliPure sa alas-4 ng hapon habang main game ang Motolite kontra Air Force sa alas-6 ng gabi.

Babalikatin nina Jovelyn Gonzaga at Royse Tubino ang Lady Troopers kontra Lady Red Spikers. Kumana ng 13 points si Tubino sa huling laban samantalang may 10 excellent digs at 6 excellent receptions naman si Gonzaga.

Aasa naman ang Chef’s Classic kay Nieza Viray upang makahirit na nng panalo matapos kapusin ang kanyang 8 points kasama ang 12 excellent digs kontra Creamline.

Hawak ng Pacific Town ang 4-4 karta habang nananatiling bokya ang Chef’s Classic saw along asignatura. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy