Una sa Balita

Gonzaga curacha sa Pacific, Cignal

0 258

SA mga nagdaang araw, ipinikita ni opposite hitter Jovelyn Gonzaga kung bakit tinawag siyang ‘Bionic Ilongga’ ng volleyball.

Nito lamang Martes, lumaro si Gonzaga para sa semifinals ng PSL All-Filipino Conference kasama ang Cignal HD Spikers para talunin sa five sets ang Pet­ron Blaze Spikers.

Wala pang bente kuwatro oras ang lumipas, sabak naman si Gonzaga sa Pacific Town Army Lady Troopers Miyerkoles kontra Choco Mucho Flying Titans na kanilang pinagwagian 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12 sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

“Lagi ko ngang sinasabi, gusto kong mag-give back sa coaches [Army coach Kungfu Reyes at Cignal coach Edgar Barroga] na nag-iintindi sa akin, kasi siya [Reyes], grabe ‘yung pag-intindi niya sa akin. Hindi niya ako binubugbog sa training,” kuwento ni Gonzaga.

Double-double ang performance ni Gonzaga sa PSL sa pagkulekta ng 15 points at 23 digs.

Para naman sa PVL, bumanat si Gonzaga ng triple-double output sa kanyang 24 points, 26 digs at 16 excellent receptions.(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy