Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gomezian bumida

0 22

Nilampaso ni Gomezian ang mga katunggali sa kahaharurot lang na 2021 Philippine Racing Commission 1st Leg Juvenile Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinakyan ni class A jockey OP Cortez, may impresibong 1:17 clocking sa 1,300-meter race ang winning horse upang hamigin ang P600K premyo sa event na inisponsoran ng Phiracom. Kabilang sa tinalo ni Gomezian ang kapatid na si Radio Bell. Mga anak sila ni Sakima.

Kinuha agad nang nagwaging kabayo ang unahan,iniwanan si Radio Bell ng may apat na kabayo, nasa tersero si Ballet Champion habang bugaw sa alisan si Southern Man. Pa-far turn, umusad si Radio Bell at kumpit sa unahan habang papalapit sa huling kurbada.

Kampante naman si Cortez sa ibabaw ni Gomezian at muling inilayo ito upang manalo ng may isang kabayong agwat sa nasegundong Radio Bell na kumopo ng P225K. Sina Ballet Champion at Southern Man ang third (P125K) at fourth (P50K) placers. May P50K din ang breeder ng winning horse. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.