Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gomezian babantayan sa Juvenile Stakes Race

0 65

MAPAPALABAN muli si Gomezian sa 2nd leg ng Juvenile Stakes Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa Linggo.

May distansyang 1,500 metro, makikipagtagisan ng bilis si 1st leg winner Gomezian sa apat pang kalahok sa event na nakalaan ang P1M guaranteed prize.

Ayon sa mga karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay Gomezian si Enigma Uno na sasakyan ni class A rider JA Guce.

Rerendahan naman ni OP Cortez si Gomezian upang puntiryahin ang P600,000 na premyo sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Ang ibang kalahok ay sina Radio Bell, Rap Bell at Ballet Champion.

Kukubrahin ng owner ng pangalawang kabayong tatawid sa meta ang P225,000 habang P125,000 at P50,000 ang third at fourth placer, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, masisilayan din ng mga karerista ang bakbakan sa 2021 Philracom PSA Stakes Race at PCSO Silver Cup. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.