Una sa Balita

Gomez, Racasa pararangalan

0 239

KIKILALANIN sina GM John Paul Gomez at Antonella Berthe Racasa sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night na gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa March 6.

Dahil sa matikas na performance nila Gomez at Racasa sa nagdaang 2019 ay nasama sila sa pararangalan ng PSA na magsisimula alas-6:00 ng gabi.

Kabilang si 13-year-old Racasa sa Tony Siddayao awards habang sa Citation si Olympian veteran Gomez sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, Rain or Shine at AirAsia.

Lalaro para sa national team si Gomez sa World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia sa Agosto 5-18.

Bago tumanggap ng award si Pinay woodpusher Racasa, lalaro muna ito sa University of the Philippines-Alpha Phi Omega-Patinikan Invitational Chess Tournament sa darating na Pebrero 24 sa UP Diliman Campus sa Quezon City.

Samantala, isa sa tampok na bibigyan ng parangal ay si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, tatanggapin niya ang Executive of the Year, matapos ang matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games.

Nasilo ng Pilipinas ang overall championship sa nasabing biennial meet. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More